^

Metro

LBC branch nilooban

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa kawalan ng seguridad, matagumpay na nilooban ng nagso-solong holdaper ang isang sangay ng LBC courier service branch sa Pasay City, kamakalawa ng umaga.

Wala namang nagawa ang customer associate ng LBC na si Cresciene Alba, 42, kundi iulat sa Pasay Police ang naganap na pagtangay ng salarin ng P1,830 halaga ng kita ng kanilang sangay.

Sa salaysay ni Alba sa mga imbestigador, abala siyang nag-aayos ng mga dokumento sa LBC branch sa may BAC 10, Plaza 66 Manlunas St., Villamor Airbase, dakong alas-7:05 ng umaga nang pasukin ng salarin at magdeklara ng holdap matapos siyang tutukan ng patalim.

Ikinulong pa ng holdaper si Alba sa stock room ng tanggapan saka iginapos gamit ang packaging tape bago tumakas dala ang pera ng kaha at mga stock ng sigarilyo ng kostumer.

Pinag-aaralan naman ngayon ng mga tauhan ng Pasay Police Station Investigation and Detective Management Section ang kuha ng “closed circuit television camera (CCTV)” na nakakabit sa branch sa pag-asang nahagip ang salarin upang makilala at maaresto ito.

vuukle comment

CRESCIENE ALBA

DAHIL

IKINULONG

MANLUNAS ST.

PASAY CITY

PASAY POLICE

PASAY POLICE STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

PINAG

VILLAMOR AIRBASE

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with