^

Metro

Lolong trader niratrat, utas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 73-anyos na negosyante ang niratrat ng hindi pa nakikilalang suspek sa harapan ng isang internet shop sa Brgy. Sagad, Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na kaagad ding binawian ng buhay bunsod nang tinamong pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Rodolfo Oregas, residente ng  Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek sa krimen na lulan ng isang kulay orange na tricycle na may body no. 328.

Batay sa ulat ni PO3 Rusthom Valdez, ng Pasig City Police, nabatid na naganap ang pamamaril dakong alas-4:00 ng madaling araw sa tapat ng A-site Internet Café sa naturang barangay.

Sa salaysay ng isang saksi sa krimen,  naglalaro umano siya ng computer sa loob ng internet shop nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa labas.

Kaagad umano siyang yumuko mula sa kanyang kinauupuan sa pangambang tamaan ng ligaw na bala.

Maya-maya ay sumilip umano siya sa labas at dito niya nakita ang isang armadong lalaki na nakasuot ng kulay itim na jacket at sombrero, na aktong papasakay sa isang tricycle, habang ang biktima ay duguan nang nakahandusay sa kalsada.

Ayon sa pulisya, ina­alam pa nila ang motibo ng pamamaslang sa biktima at kung sino ang may kaga­gawan nito.

Tiniyak naman ng pulisya na lahat ng anggulo sa krimen ay tinitingnan na nila sa ngayon, kasama na ang negosyong paupahan ng biktima at kung may kaaway ito.

Kukuha rin umano sila ng kopya ng footage ng CCTV camera sa lugar upang makatulong sa pag­resolba sa krimen.

vuukle comment

BRGY

DR. PILAPIL ST.

INTERNET CAF

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

RODOLFO OREGAS

RUSTHOM VALDEZ

SAGAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with