^

Metro

2 biktima ng ‘taxi gas’ modus

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patuloy ang pagsalakay ng mga taxi driver na may modus na pasisinghutin ng pampatulog na kemikal ang mga sakay makaraang dalawang pasahero ang makatakas at magreklamo sa Pasay City Police, kamakalawa ng gabi.

Dumulog sa Pasay City Police sina Ma. Diana Sanjani, 21, dalaga, auditor, at residente ng Malate, Maynila, at Patrick Angelo Romano, 20, estudyante, ng Legaspi Tower 300 Roxas Blvd., Maynila.

Sa kanilang salaysay, sumakay sila sa isang taxi na may plakang TXX 893 sa “taxi bay” ng isang ma­laking mall sa Pasay dakong alas-11 ng gabi at nag­pahatid patungo sa Vito Cruz sa Maynila.  Habang bumibiyahe, nakaramdam ng pagkahilo ang dalawang biktima at napansin na may iwinisik na kemikal ang driver sa air-conditioning unit ng sasakyan.

Bago tuluyang mawalan ng malay, nagawang ma­ibaba ng dalawang pasahero ang bintana ng taxi at nakababa nang huminto sila sa red signal ng traffic light.  Nang mag-go signal, agad na pinaharurot ng driver ang taxi tungo sa direksyon ng President Diosdado Macapagal Avenue.

Humingi naman ng saklolo sa mga tauhan ng Police Community Precinct 11 ang mga biktima ngunit hindi na nahanap pa ang naturang taxi. Inilarawan ng mga biktima ang driver na nasa edad 40-anyos, katamtaman ang katawan, nakasuot ng itim na t-shirt at may kaitiman ang balat.

Nakatakda namang ma­kipag-ugnayan ang Pasay City Police sa Land Transportation Office (LTO) upang mabatid kung kanino nakarehistro ang naturang taksi.

 

DIANA SANJANI

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LEGASPI TOWER

MAYNILA

PASAY CITY POLICE

PATRICK ANGELO ROMANO

POLICE COMMUNITY PRECINCT

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL AVENUE

ROXAS BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with