^

Metro

Barilan dahil sa negosyo: 3 utas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi kabilang ang magkapatid na lalaki sa isang barilan  na naganap kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang magkapatid na sina Pakistan at Mastura Musa,  may-ari ng cellphone accessories ng Phase 1, Bagong Silang ng  naturang lungsod.      

Dead-on-arrival naman sa Jose Rodriguez Hospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa katawan si Mike Amer, 38,  store owner din ng cellphone accessories ng Phase 4, Bagong Silang.

Ayon sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-2:30 ng hapon kumakain si Amer sa Basideco Market sa Phase 4, Bagong Silang nang sumulpot ang magkapatid  at pagbabarilin ito.

Kahit sugatan ay nagawang makaganti ng putok ni Amer at napuruhan ang makapatid na Musa at dinala naman ang una sa naturang ospital.

Kompetisyon sa negos­yo ang isa sa mga anggu­long iniimbestigahan nga­yon ng pulisya.

 

vuukle comment

AMER

BAGONG SILANG

BASIDECO MARKET

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MASTURA MUSA

MIKE AMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with