Ex-convict itinumba
MANILA, Philippines - Patay matapos pagbabarilin ang isang 37-anyos na ex-convict ng apat na lalaking armado, sa San Andres Bukid, Maynila, kahaÂpon ng umaga.
Dead on the spot dahil sa tinamong daÂlawang bala sa ulo at katawan ang biktimang si Zacarias Marquez, residente ng no. 550 Corcuera St., Tondo, Maynila.
Sa ulat ni PO2 Michael Maraggun, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang paÂmamaril sa Chromium St. San Andres Bukid, Maynila.
Ayon kay Maraggun, nakita ng isang Roberto Cudal, barangay kagawad, na may kausap na dalawang lalaki ang biktima at sa di kalayuan ay nakatayo lamang ang dalawa pang lalaki.
Nakita din umano ni Cudal na nagtatalo na ang biktima at dalaÂwang kausap nito at hindi nagÂtagal ay nakarinig na siya ng mga putok at nakitang nakabulagta na ang biktima.
Ayon umano sa kaÂpatid ng biktima, labas-masok sa kulungan ang biktima at nitong nakaÂlipas lamang na Oktubre 28 ito huling lumaya sa piitan sa kasong robbery.
Hinihinalang mga dating kasamahan sa iligal na gawain ang pumaslang sa biktima.
- Latest