Engineering student tumalon sa 24th floor ng condo, patay
MANILA, Philippines - Namatay ang isang 20-anyos na estudyante ng Technological InsÂtitute of the Philippines (TIP) nang tumalon ito mula sa ika-24 na palapag ng tinutuluyang conÂdominium, sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Bali-bali ang dalawang binti at putok ang kilay ng biktimang si Jethro Mark Pechon, 1st year Electronics Communication Engineering (ECE) sa TIP at nanunuluyan sa Unit 2423 ng Grand Tower II Condominium sa no. 790 P. Ocampo St., corner Taf Avenue, Malate, Maynila, dahil sa impact nang pagbagsak nito sa isang “3 feet†swimming pool na nasa ika-7 palapag ng nabanggit na condominium.
Sa ulat ni SPO1 RiÂchard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:55 ng gabi nitong Sabado nang maganap ang insidente sa loob ng nasabing gusali.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nakabukas ang bintana sa unit ng biktima at may upuan sa tabi nito na indikasyon na ginawa itong tuntungan ng biktima bago tumalon.
Ayon naman sa security guard na si Raymond Aliado, narinig niya ang sobrang lakas ng laÂgapak sa tubig kaya pinuntahan at naÂÂkita na unti-unting naÂmumula ang tubig sa swimming pool at agad na ipinaÂalam
sa kaniyang superior.
Lumutang na sa pool ang walang buhay na biktima na ipinagbigay-alam din sa pulisya.
Batay sa pahaÂyag ng mga kaibigan ng bikÂtima na sina Lauren Quiambao at Princess Garcia, okupante rin ng condominium, wala silang alam kung bakit nagawang tumalon o magpakamatay ng biktima.
Sa pahayag naman ng isang nagnganga lang Dominic, kasama sa kuwarto ng biktima, bandang alas-5:00 ng hapon nang iwan niya ang biktima para duÂmalo sa general asÂsembly meeting ng AdamÂson University. Wala naman umano siyang alam na dahilan ng pagpapakamatay nito.
Gayunman, inaalam pa ng mga pulis kung nagpakamatay ang bikÂtima o pinagtripan lamang ang pagtalon diretso sa swimming pool o may foul play.
- Latest