^

Metro

Kelot shinotgun ng sekyu, patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang kawani nang barilin ito ng isang guwardya ng banko ma­tapos ang ma­initang pagta­talo, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Edmund Picao,  23, residente ng J. Marquez Compound Brgy. BF Homes ng naturang lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa shotgun. 

Nakakulong naman ang suspek na si Remar Cabison, 30, guwardya ng International Security Agency na nakatalaga sa Metro Bank, nakatira sa San Francisco St., Brgy. Fajardo, Las Piñas City.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Rudy G. Dimson ng Station Investigation  and Detective Management Section ng Parañaque City Police, naganap ang in­sidente alas-7:00 ng umaga sa tapat ng Metro Bank, panulukan ng Tehran St. at Aguirre Avenue, ng naturang lungsod.

Dumating ang biktima sa naturang banko at sinita ito ng suspek para inspeksiyunin ang una, subalit na-offend ang una dahilan upang magkaroon ng mainitang pagta­talo ang dalawa.

Sa kainitan ng pagtatalo ay binunot ng suspek ang kan­yang shotgun at pina­putukan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Papatakas na sana ang suspek at nagliligpit na ito ng kanyang mga gamit, subalit inabutan at dinakip ito ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.

AGUIRRE AVENUE

CITY POLICE

DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

EDMUND PICAO

INTERNATIONAL SECURITY AGENCY

LAS PI

MARQUEZ COMPOUND BRGY

METRO BANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with