Police informer nakaligtas, sa tangkang ‘pagtumba’
MANILA, Philippines - Dahil sa pagiging alisto, isang police informer ang nakaligtas sa tiyak na kamatayan makaraang ma-karate chop ang kamay ng gunman na babaril sa kanyang ulo, kamakalawa sa Parañaque City.
Sa halip na sa ulo, tinamaan sa kaliwang hita ng bala ng kalibre .45 ang biktimang si Eliseo CaÂlimlim, 30, ng Area C.J. Sanchez, Airport Village, Purok Uno, Brgy. Moonwalk, ng naturang lungsod.
Agad namang tumakas ang mga salarin na kinilala ng biktima sa mga alyas na “Totoy at Boy†na mga tauhan umano ng isang Jovan Wagas, miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga na may sentro ng opeÂrasyon sa Parañaque City.
Sa ulat ng pulisya, naghihintay ng masaÂsakyan si Calimlim dakong alas-12:45 ng tanghali sa kanto ng Doña Soledad at Balaraw Sts. sa Brgy. Moonwalk nang hintuan ng isang motorsiklo lulan ang dalawang salarin.
Nang itutok ng gunman ang baril, sinabi ni CaÂlimlim na nagawa niyang ma-karate chop ang braso ng salarin kaya hindi sa ulo niya naiputok ang baril at sa halip ay sa hita siya tinamaan. Agad namang nakaresponde sa lugar ang mga pulis kaya nagpasya nang tumakas ang dalawang salarin.
Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang biktima ng mga otoridad kung saan niya kinilala sa mga pulis ang mga laÂlaking nagtangka sa kanyang buhay.
Ayon sa pulisya, maÂaaring nasasaktan na ang sindikato ng iligal na droga sa mga impormasyong ibinabato ng biktima sa mga otoridad at nais na siyang patahimikin.
- Latest