Holdaper bulagta sa shootout
MANILA, Philippines - Bulagta ang isa sa tandem, na holÂdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis, kamakalawa ng gabi sa lungsod Quezon.
Base sa report ni PO2 Lucy Paradero ng Galas Police Station, naganap ang insidente sa may Gilmore St., kanto ng 10th St., Brgy. Mariana, Quezon City.
Nauna rito, hinoldap ng tandem na suspect ang biktimang si Joel Abajero, 21, ng N. Roxas, Banawe, Quezon City habang naghihintay ng masasakyan sa may Gilmore St. sa naturang barangay.
Bumaba umano ang back rider ng Novo motorcycle na walang plaka at tinutukan ng baril ang biktima sabay nagdeklara ng holdap.
Dahil sa takot ni Abajero, ibinigay niya sa suspek ang pitaka na naglalaman ng P5,000 at mamahaling cellphone.
Ang komosyon ay namataan ng isang pulis na nakatalaga sa La Union PNP at sinita ang holdaper na agad tumalilis sakay ng motorsiklo.
Napadaan din sa lugar ang mobile patrol ng Galas Police at hinabol din ang mga suspect na inabutan may 10th St., Brgy. Mariana sa QC.
Pero sa halip na tumigil ay pinaÂputukan ng mga suspek ang mga awtoÂridad dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis na ikinasawi ng isa sa mga suspect habang sugatang tumakas ang kaÂsamahan nito.
- Latest