^

Metro

Photographer pinabulagta

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang photographer  sa Rizal Park  ang  pinagbabaril hanggang sa mapatay ng hindi pa nakilalang suspect kamakalawa ng gabi  sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Naganap ang pamamaril sa biktimang si  Alberto Dizon, 50, dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Block 1 Gasangan Baseco Port Area.

Sa salaysay  ng testigong si  Nelle Garces, nakarinig  umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang matapos ang alingawngaw ay nakita ang biktima  na nakahandusay at duguan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa itaas na bahagi ng katawan, sa ilalim ng baba at sa kanang  braso.

Nakarekober naman ang MPD Scene of the Crime Operations ang apat na basyo ng bala mula sa kalibre .45 baril na  ginamit sa krimen.

 

vuukle comment

ALBERTO DIZON

BASECO COMPOUND

GASANGAN BASECO PORT AREA

ISANG

MAYNILA

NELLE GARCES

PORT AREA

RIZAL PARK

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with