16 oras na walang tubig sa ilang lugar sa Caloocan at Maynila
MANILA, Philippines - Labing-anim na oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga lugar sa Caloocan at Tondo, Maynila simula bukas, araw ng Huwebes (Dec.5) mula ala-1:00 ng hapon hanggang sa Biyernes, (Dec.6) alas-5:00 ng umaga.
Ayon kay Maynilad Spokesperson Grace Laxa, sa Caloocan City mawaÂwalan ng tubig ang: Brgy. 28, Bangkulasi, San Rafael, Northbay Boulevard North at Northbay Boulevard South.
Habang makakaranas ng low water pressure o mahinang pagdaloy ng tubig sa nabanggit na mga araw ang Brgy. 14, Longos.
Sa Tondo, Maynila, kaÂbilang naman sa mawaÂwalan ng suplay ng tubig ay ang Brgys. 124-127, Brgy. 129-146 at Brgy. 177.
Ang pansamantalang water interruption ay bunga ng rehabilitasyon ng Maynilad sa area ng Caloocan upang mas gumanda ang daloy ng tubig sa west zone ng Metro Manila.
Inaabisuhan naman ang mga apektadong kostumer ng Maynilad na mag-ipon na ng tubig o tumawag sa Maynilad hotline 1626 para sa karagdang imÂpormasyon.
- Latest