^

Metro

Drug raid sa Pasay, pulis patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis-Pasay makaraang pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng isang sindikato ng iligal na droga habang nagsasagawa ng ope­rasyon, kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay­ sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng ma­raming tama ng bala sa katawan ang biktimang si SPO1 Jesus Tizon, 40, nakatalaga sa Police Com­munity Precinct 7, at residente ng Imus, Cavite.

Sa ulat ng Pasay Police, naganap ang insidente dakong ala-1:49 ng madaling- araw nang pagbabarilin ng mga miyembro ng sindi­kato na pinamumunuan ng isang alyas Punggoy sa may Apelo Cruz St., Brgy. 157 Zone 16, ng naturang lungsod ang pulis.

Sa pahayag ni PO1 Esmael Gadia, nagsagawa sila ng operasyon sa lugar  at pinasok ang mga eskinita nang mapahiwalay sa kanila si Tizon.

Dito na sila nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanilang puntahan ang pinagmulan ay doon na nila nakita ang duguang si Tizon habang nawawala na rin ang ca­liber .9mm service pistol nito.

Agad namang humingi ng tulong sina Gadia sa motorcycle unit ng Pasay Police na nagdala sa biktima sa pagamutan ngunit nalagutan ito ng hininga dakong alas-2:20 ng madaling-araw.

Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga  pulis at na­tukoy ang bahay ng suspek na si alyas Punggoy na agad namang nakatakas.

Nasamsam sa loob ng bahay ni Punggoy ang limang plastic sachet na naglalaman ng shabu, shabu paraphernalia, isang kalibre .45 baril, mga bala ng kalibre .45, magazine ng Uzi, isang granada, isang palakol, isang samurai, isang jungle bolo, isang baton knife, mga pera, at iba’t ibang identification cards.  Natagpuan rin ang limang basyong bala ng caliber .30 carbine rifle.

Patuloy ngayon ang manhunt operations ng pulisya upang masakote ang suspek at ang mga kasabwat nito.

 

vuukle comment

APELO CRUZ ST.

DIOS HOSPITAL

ESMAEL GADIA

ISANG

JESUS TIZON

PASAY POLICE

POLICE COM

PUNGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with