Ganda, sigla ng Maynila ibabalik ni Erap
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Joseph Estrada na kanyang ibabalik ang kinang at ganda ng Maynila sa kanyang paÂmamahala sa tulong na rin ng kanyang mga opisyal at kapulisan.
Ayon kay Estrada, nakakalungkot lamang isipin na malaki na ang ipinagbago ng lungsod kung saan naging pugad na ito ng iba’t ibang krimen, gayundin ang pagdami ng mga walang trabaho.
Sinabi ni Estrada na kaÂilangan ang malawakang kamÂpanya para maibangon muli ang Maynila sa pamamagitan ng paglalaan ng mga trabaho at livelihood projects at walang tigil na pagseserbisyo.
Kailangan din aniyang paÂtuloy ang paglinis sa hanay ng pulisya upang maÂibalik ang pagiging MaÂnila’s Finest at maisip na ang kanilang tungkulin ay protektahan at paglingkuran ang publiko at hindi arestuhin para kotongan.
Paiigtingin din ang pagÂlilinis ng mga kanal at pagpapatupad ng flood control systems at solid waste management projects kung saan magkakaroon ng sisÂtema sa pangongolekta ng basura na isa sa mga naÂgiging dahilan ng pagbabara ng mga kanal at estero.
Paliwanag ni Estrada, ito lamang ang nakikita niyang paraan upang manumbalik ang tiwala ng mga investor na nais na mamuhunan sa lungsod.
“Kung walang kaayusan at kapayapaan hindi magkakaroon ng kaunlaranâ€, ani Estrada.
- Latest