5 suspect sa serye ng bus holdap sa EDSA timbog
MANILA, Philippines - Nagwakas ang raket ng limang robbery/holdup susÂpect na responsable sa serye ng pag-atake sa mga public utility buses (PUB) sa kahabaan ng Edsa, matapos na maaresto ng awtoridad sa follow-up operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang lungga sa Bulacan, iniulat kahapon.
Kinilala ni QCPD director Chief Supt. Richard Albano, ang mga suspect na sina Roger Alaraz, 41; Ariel Andrales, 36; Aquilino Soriano, 52; Jeffrey Reyes, 25; at Bobby Bondoc, 36; pawang mga driver ng PUB at residente ng Bulacan. Ayon kay Albano, ang pagiging driver ng PUBs ng mga suspect ang ginagamit nila para mapadali ang kanilang operasÂyon at matangay ang mga gamit ng mga pasahero.
Nadakip ang mga suspect ng pinagsanib na tropa ng Criminal Investigation and Detection Unit sa panguÂnguna nina Chief Insp. Elmer Monsalve at Police Insp. Alan Dela Cruz, kasama ang iba pang mga operatiba ng Police Station 2, at Station 10 at District Investigation and Intelligence Division (DIID).
Ang mga suspect ang responsable sa panghoholdap sa Malanday Metro Link Passenger Bus at Cher passenger bus noong Nov. 30 sa kahabaan ng Edsa. Tinitignan din ng awtoridad kung ang mga suspect din ang responsable sa magkasunod na robbery/holdup incident sa Ma landay Metro Link passenger bus noong Nov. 26, 2013.
Sa imbestigasyon nina PO2’s Jogene Hernandez at Louie Serbito, naaresto ang mga suspect sa may Phase 1, Lot 49, Northville, MeycauÂyan Bulacan, alas-7 ng gabi.
Bago nito, alas-4:30 ng Sabado ng hapon ay hinolÂdap ng mga suspect ang bus na Malanday Metro Link (TWJ-728) na ang driver ay si Bondoc sa kahabaan ng EDSA, corner Quezon Avenue. Dito ay tinangay ng mga suspect ang mga gamit ng mga pasahero, saka sumibat hindi kalayuan sa lugar.
Pero nakilala ng mga paÂsahero si Bondoc na kabilang sa mga suspect kung kaya sa istasyon ng pulisya sa PS2 ay itinuro nila ito hanggang sa ikustodiya.
Habang nasa himpilan ng pulisya, muling kinontak ng grupo si Bondoc sa kanyang cell phone para atakehin muli ang kanyang bus sanhi para kumilos ang tropa at nagkunwaring sakay ng nasabing bus at abangan sa Quezon Avenue ang mga suspect.
Pero hindi sumakay ang mga suspect sa Malanday Metro Link bus at sa halip ay sa CHER bus (TYW-957) isinagawa ang holdap. Matapos maisagawa ang pakay sa mga pasahero ay bumaba ang mga suspect saka sumakay sa gate away nilang Diane and Kelsy Taxi (TXF-806) na minamaneho ng suspect na si Andrales.
Itinuga ni Bondoc ang lungga ng mga kasamahan dahilan para muling magsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba sa may Bulacan at nadakip sina Alaraz, Andrales, Soriano at Reyes.
Naaktuhan pa ang mga suspect na gumagamit ng iligal na droga. Narekober din kay Andrales ang drug paraÂphernalia at isang graÂnada na gamit nila sa iligal na opeÂrasyon. Nabawi din ang mga gamit ng ilang mga pasahero na kanilang nabiktima. Inihahanda na ang kasong robbery na isasampa ng awtoridad sa city prosecutor’s office laban sa mga suspect.
- Latest