Kemikal, ginagamit sa holdap, taxi driver arestado
MANILA, Philippines - Isang taxi driver, na suma-sideline umanong holdaper at sinasabing gumagamit ng kemikal sa pambibiktima, ang naaresto ng mga tauhan ng Pasig City Police at Brgy. Security Force (BSF) ng ManggÂahan, sa Pasig City.
Kinilala ang suspect na si Dominador Obsenarez, 38, residente ng Tupaz SubÂdivision, Gitnang Bayan I, San Mateo, Rizal.
Si Obsenarez ay naaresto ng mga awtoridad matapos na tangkain umano nitong bikÂtimahin ang 18-anyos na estudyante na si Micah Crystel Sual, na residente ng Block 1, Lot 16, Aduana MetroÂpolis, Brgy. Sta. Lucia, Pasig City.
Batay sa ulat ng Pasig City Police na nakarating sa tangÂgapan ng Eastern Police District (EPD), nabatid na dakong alas-6:45 ng gabi ng Nobyembre 28 nang madaÂkip ang suspect sa Amang Rodriguez Avenue corner
East Bank Road, Brgy. Manggahan, Pasig City.
Sa imbestigasyon ni PO3 Melvin Jesus MenÂdoza, lumilitaw na bago ang pagkaÂkaaresto sa suspect ay sumakay ang biktima sa TRICON taxi cab (TWJ-743) na minamaneho nito.
Maya-maya ay nakalanghap umano ang biktima ng kaduda-dudang amoy, na hiÂnihinalang mula sa isang uri ng kemikal, na dahilan upang mahilo ito at makaramdam ng pamamanhid ng katawan.
Naghinala ang biktima sa taxi driver kaya’t tinangka nitong buksan ang pintuan ng taxi upang tumakas, ngunit kaagad siyang pinigilan ng suspect.
- Latest