Erap itinulad ang sarili kay Bonifacio, ika-150 kaarawan ginunita
MANILA, Philippines - Marami kaming pagkakaÂtulad ni Gat Andres Bonifacio.
Ito naman ang binigÂyan-diin ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada kasabay ng paggunita sa ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio kahapon ng umaga sa Maynila.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng alkalde na pareho silang tubong-Tondo ni Bonifacio – ang bayani anya’y sa Tutuban habang siya’y sa Manuguit Maternity Hospital.
Naging artista din si BoÂnifacio na lumabas sa sarsuwela bilang Bernardo Carpio na tagapagligtas ng naaapi habang siya naman ay si Asiong SaÂlonga na kampeon ng masa.
Pareho rin umano silang pinatanggal sa puwesto ng nagngangalang Macapagal subalit mapalad lamang siya dahil nananatiling buhay matapos na ma-convict.
Inihayag din ni Estrada ang pagpasa ng konseho ng resolusyong naglalayong kilalanin ang bayani bilang unang pangulo ng Pilipinas.
Nais din ni Estrada na hilingin ng konseho na aksyuÂnan ni Pangulong Noynoy Aquino ang resolusyon.
- Latest