^

Metro

Mister hinostage ang buong pamilya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mister ang dinakip ng mga tauhan ng Manila Police Station-Police Station 7 matapos na i-hos­tage ang kanyang misis, kasama ang kanyang ama, pa­mangkin at kapatid kahapon ng umaga sa Tondo.

Agad ding napasuko ni  MPD-Station 7 chief, P/Supt. Roderick Mariano  si Rizaldy Garay, ng  #2631 Severino St. Tondo, Maynila matapos na  mapakiusapan.

Isinasailalim naman sa medical examination ang misis nitong si Merlina, amang si Gerry; kapatid na sina Ramil, 30; Raymund Garay­, 28; pamangkin na sina  Rose Jane Parungao, 2; at Renwin Parungao, 5, pawang naninirahan sa  nabanggit na address sa posiblent trauma.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-9:20 ng umaga nang i-hostage ni Rizaldy ang kanyang pamilya sa loob mismo ng kanilang bahay.

Mabilis namang  rumes­ponde ang mga tauhan ni  Mariano na kinabibila­ngan nina  Chief Insp. William Chig-Ao Sugmayao, SPO3 Ramon Torrefiel, SPO2 Calvin Capuno, PO2 Jonathan Murillo at PO1 Josue Ahuday.

Ayon kay Mariano, nag­karoon ng hindi pagkakaunawaan ang  pamilya kung saan masama ang loob ni  Rizaldy sa kanyang ama at misis.

Bunsod nito, agad na kumuha ng patalim si Ri­zaldy at hinostage ang  kanyang  pamilya.

Sinikap naman nina Mariano, Sugmayao, Torre­fiel, SPO2 Dennis de Jesus, SPO2 Calvin Capuno, Kagawad Ernesto dela Cruz at Bgy. Capt Rudy Cruz ng Bgy. 209 Zone 19 na mapasuko  si Rizaldy  kung saan nailigtas ang mga biktima at nabawi ang  kitchen knife na hawak nito.

Sasampahan pa rin ng kaukulang kaso si Rizaldy sa piskalya.

vuukle comment

BGY

CALVIN CAPUNO

CAPT RUDY CRUZ

CHIEF INSP

JONATHAN MURILLO

MARIANO

RIZALDY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with