^

Metro

Bureau of Fire general, biktima ng ‘Cuya rob gang’

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pinag-igting ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) ang manhunt operation laban sa lider ng kilabot na “Cuya robbery group” na si Jonathan Cuya, matapos ang muling pag-atake nito at holdapin ang isang heneral ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit, nagsasagawa na umano sila ng mga surveillance sa mga lugar na posibleng pagtaguan ni Jonathan, lalo na ngayong nauna na nilang nadakip ang dalawang kasamahan nito.

Partikular na tinukoy ng opisyal ang huling pag-atake ng grupo ni Cuya kay Fire Chief Supt. Samuel Perez, 55,  at nakatalaga bilang deputy chief for Administration ng BFP sa national headquarters na matatagpuan sa Agham Road.

Nangyari ang insidente alas- 9:55 nitong Martes ng umaga habang si Chief Supt Perez ay nakikipag-kuwentuhan sa kanyang mga tauhan na sina SFO2 Joel Zerrudo at Santiago Garong III.

Dito ay bigla na lamang umanong sumulpot si Cuya, kasama ang tatlo pang alagad­ nito na pawang mga armado ng baril sa gate ng nasabing bahay saka tinutukan ang mga biktima sabay deklara ng holdap.

Agad na pinagkukuha ng mga suspek ang gamit ng heneral at ng dalawang tauhan tulad ng kuwintas (P60,000); Rado wristwatch (P10,000); Casio G-shock (P7,000); Sony Xperia C2305 (P14,000); Nokia e71 (P2,500);  Samsung cellphone (P1,300); isang I-phone 4 at isang Ipad at isang bull ring na hindi natukoy na halaga saka mabilis na nagsitakas  gamit ang isang motorsiklo.

AGHAM ROAD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CASIO G

CHIEF INSP

CHIEF SUPT PEREZ

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FIRE CHIEF SUPT

JOEL ZERRUDO

JONATHAN CUYA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with