HS bldg. sa QC inaprub
MANILA, Philippines - Inaprubahan ng Quezon City council committee on education ang panukala ni 5th district Councilor Anjo Yllana para sa pagpapatayo ng isang high school building sa Barangay Fairview na popondohan ng siyudad.
Sa resolution ni Yllana, hinihiling nito ang agarang pagpapatayo ng gusali sa bakanteng lote sa may Fairlane street, Fairview, na pagmamay-ari ng Government Service Insurance System (GSIS).
Ang lote ay kalapit lamang ng Fairview Elementary School, ngunit ang mga estudyanteng nakapagtapos sa elementarya ay napipilitang maglakbay ng malayo pagdating ng high school dahil sa ibang barangay nakatayo ang mga high school building.
“Ang malaking barangay tulad ng Fairview ay dapat may sariling public high school na para sa mga mahihirap na estudyante na hindi kailan gumastos ng pamasahe para makapag-aral ng high school,†paliwanag ni Yllana.
Dalawa pang barangay sa district 5, isang bagong district sa QC, ang nangangailangan ng mga high school buildings para mabigyan ng dekalidad at murang edukasyon ang mga estudyante sa kuminidad.
Nakiusap si Yllana kay MayoÂr ÂHerbert Bautista na maglaan ng malaking pondo sa isang taon para sa pagpapatayo ng high school building sa Bgy. Sta. Monica at Bgy. Kaligayahan na parehong nasa district 5.
- Latest