Pintor utas sa boga
MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na pintor ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin maÂtapos na bumaba ng kanilang bahay makaraang kumain ng hapunan, kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang kinilalang si Jul Damil, residente ng Tuazon St., Malate, Maynila.
Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa Road 1, F. Muñoz St., Singalong, Malate, MaynilaÂ.
Sa pahayag ng misis nito na si Lolita Damil, 38, nagmaÂmadaling kumain umano ang biktima at nagpaalam ito habang sila ay magkasalo sa hapunan na may pupuntahan sa Meding St., na nagÂngangalang “Awengâ€.
Nagulat na lamang si LoÂlita nang hindi pa nagtatagal ay may nagbalita sa kanya na nabaril ang kanyang mister kaya sumugod sa lugar.
Sa imbestigasyon, naglaÂlakad umano ang biktima nang biglang sumulpot sa kanyang likuran ang gunman at walang sabi-sabing pinaputukan ito nang malaÂpitan sa ulo na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Patuloy pa rin ang isinasaÂgawang imbestigahan sa kaso.
- Latest