Onsehan sa droga: 1 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga habang sugatan naman ang isa pa makaraang magsaksakan at magbarilan dahil sa hinalang onsehan, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Nakilala lamang ang nasawi sa alyas “Chow†na nagtamo ng tama ng bala sa katawan habang inoÂobserbahan naman sa Florencio Bernabe Hospital dahil sa tama ng saksak ang 35-anyos na si Jeremias Villamayor, ng Balagtas St., Brgy. Don Galo, ng naturang lungsod.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatayo sa paanan ng footbridge sa Dr. A. Santos Avenue sa Brgy. La Huerta si Villamayor dakong alas-8 ng gabi at hinihintay ang isang alyas Teng na magbebenta sa kanya ng shabu nang sumulpot mula sa kanyang likuran si Chow. Dito patraydor na pinagsasaksak ni Chow si Villamayor.
Tiyempo namang dumating sa lugar si Teng at isa pang lalaking nakilala sa alyas Alvin at pinaputukan nang malaÂpitan ang nasawing si Chow saka mabilis na nagsitakas sa lugar.
Inaalam naman ngayon ng Parañaque City Police kung ang bilanggong si Dioscoro Jao na lumaya noong NobÂyembre 19 mula sa Parañaque City jail matapos maharap sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga at ang nasawing si alyas Chow ay iisang tao.
- Latest