^

Metro

Security officer ni VP Binay, biktima ng ‘basag-kotse gang’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy ang pagsalakay ng mga kilabot na “Basag-Kotse Gang” sa Bonifacio Global City sa Taguig City makaraang mabiktima maging ang isang opisyal ng Philippine Marine na isang security officer ni Vice-President Jejomar Binay, kamakalawa ng gabi.

Wala nang nagawa si Marine Captain Tino Maslan, nakatalaga sa tanggapan ni Vice-President Binay, kundi iulat na lamang sa Taguig City Police ang pagkawala ng kanyang caliber .40 Glock pistol, hindi pa mabatid na halaga ng salapi, cellular phone at iba pang mga dokumento.

Sa salaysay ni Maslan sa mga imbestigador ng Taguig City Police, ipinarada niya ang kanyang asul na Ford Everest SUV (SHB 960) sa parking lot sa tapat ng Mc Depot dakong alas-6:40 ng gabi at iniwan upang lumahok sa isang “fun run” sa lugar.

Nang bumalik siya, dito na natuklasan ng opisyal na binasag ang salamin ng kanyang kotse at tinangay ang kanyang mga gamit.  Nang tanungin niya ang mga security guard sa lugar, wala umanong maisagot ang mga ito at wala namang napansin na kakaiba.

Ayon sa pulisya, posibleng may dala ring sasakyan ang mga suspek na gumawa ng krimen.  Tinabihan ang SUV ni Maslan upang hindi mapansin ng mga guwardiya saka binasag ang salamin ng sasakyan.

Natuklasan rin ng pulisya na walang nakalagay na close circuit tele­vision (CCTV) camera sa naturang parking area na makakatulong sana sa paglutas sa umano’y madalas na nangyayaring pagnanakaw ng mga gamit sa loob ng mga nakaparadang sasakyan sa naturang lugar.

 

BASAG-KOTSE GANG

BONIFACIO GLOBAL CITY

FORD EVEREST

MARINE CAPTAIN TINO MASLAN

MASLAN

MC DEPOT

NANG

PHILIPPINE MARINE

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with