^

Metro

7 Palo, Leyte sinisimulan na rin 0 percent ng Tacloban, nalinis na ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) na 70 porsiyento na ng Tacloban City ang kanilang nalinisan sa matinding kalat na dulot ng bagyong si Yolanda.

Idinagdag pa ni MMDA Chairman Francis Tolentino na pa­tuloy na rin ang isinasa­gawang paglilinis ng kanilang team sa Palo, Leyte.

Sinabi pa ng MMDA chairman na naibalik na rin ang water pump sa Tacloban City airport na maaaring gamitin ng mga pasahero.

Magugunitang na­una nang inihayag ng ahensya na may 394 nilang tauhan ang ikinalat sa Tacloban at Tanauan sa Leyte at maging sa Bassey sa Western Samar.

“Nakapokus tayo sa kasalukuyan sa clearing operation at sa ‘adopt an LGU program’,” pahayag pa ni Tolentino.

Sa ilalim ng adopt an LGU program ng Metro Manila Council na binubuo ng lahat ng mayors sa Metro Manila ay tutulong sa recovery ng mga typhoon-ravaged town  at cities sa Samar at Leyte.

Una nang nagpa­dala ng relief items at di­saster response team ang Valenzuela, Taguig, San Juan, Caloocan at Marikina.

vuukle comment

BASSEY

CALOOCAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LEYTE

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

SAN JUAN

TACLOBAN CITY

WESTERN SAMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with