^

Metro

Sekyu todas sa riding-in-tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang guwardya ang na­sawi nang barilin ito ng dalawang holdaper na riding-in-tandem  matapos na  manloob sa isang sangay ng money transfer kahapon sa Parañaque City.

Kinilala ng Parañaque City Police ang biktimang si  Felipe Montilla, na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya hinggil sa insidente at kanila pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

Lumalabas sa sketchy report ng pulisya na naganap ang insidente alas-8 ng umaga­ sa isang sangay ng Western Union Money Transfer, na matatagpuan sa kahabaan ng Lopez St., Bgy. San Isidro ng naturang siyudad.

Naka-duty si Montilla sa naturang money transfer nang biglang tutukan ng baril ng mga suspect at nagdeklara ng hold-up, subalit pumalag ang biktima.

Dahil dito, pinaputukan ang kaawa-awang biktima na naging sanhi  ng kamatayan nito. Kaagad namang tina­ngay ng mga suspect ang vault ng naturang money transfer, subalit nabokya ang mga ito dahil wala pa itong laman. Iniimbestigahan pa ng mga pulis ang naturang insi­dente.

BGY

CITY POLICE

DAHIL

FELIPE MONTILLA

LOPEZ ST.

SAN ISIDRO

WESTERN UNION MONEY TRANSFER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with