^

Metro

Batang Hamog’ tututukan ng MSWD, pulis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Puspusan ngayon ang  ginagawang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Manila Social Welfare Department at ng Manila Police District-District Intelligence Division laban sa iba’t ibang uri ng  krimen sa lungsod partikular ang  pagsagip sa mga tinaguriang ‘Batang Hamog’.

Batay sa report na tinanggap ni MPD-DID chief  Supt.  Villamor Tuliao, laganap ngayon sa kalye ang mga  ‘Batang hamog’ na nambibiktima ng mga sibilyang nag­lalakad at maging ng mga nakasakay sa pampubliko at pribadong sasakyan. Aniya, kailangan na ma­sagip ang mga ‘Batang  Hamog’ na ginagamit ng mga sindikato.

Ayon kay Tuliao, ngayon paparating ang kapaskuhan,  inaasahang mas dodoble ang pagkalat ng mga ‘batang hamog’ kung kaya’t doble din ang  kanilang gagawing monitoring at paghihigpit sa  mga lugar  na talamak ang  krimen.

Kaugnay nito, isang 14 anyos ang nadakip noong Nobyembre 8 ng mga ta­uhan ni Sr. Insp. Clark Cuyag  hepe ng DPIOU, na sina  PO2 Aaron Quiling at PO1 Russel na nambiktima ng  mag-asawang Korean.

Lumilitaw na  naglalakad dakong alas-6 ng hapon  ng mag-asawang Korean nang hablutin ng  suspect ang envelope na dala nito na naglalaman ng P30,000. Agad na humingi ng tulong ang mag-asawa sa mga awtoridad kung saan nadakip ang suspect.

Idinagdag pa ni Tuliao na nakikipag-ugnayan sila sa Manila Social Welfare Division upang maligtas ang mga kabataan na naglipana sa lansangan.

Sinabi ni Tuliao na kaila­ngan din ang  kooperasyon ng magulang upang maisalba pa ang mga kabataang tulad nito.

vuukle comment

AARON QUILING

BATANG

BATANG HAMOG

CLARK CUYAG

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

TULIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with