^

Metro

Brgy. volunteer itinumba sa loob ng outpost

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang ba­rangay volunteer makaraang pasukin ito sa loob ng barangay outpost ng dalawang lalaki na may takip ng face towel ang mukha at pagbabarilin sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Si Agapito Aloro, 48,  ay iniwan na lamang walang buhay sa loob ng isang outpost ng mga salarin matapos ang pamamaril ganap na ala -1 ng madaling-araw.

Ayon kay R.R. Pittong, dalawang armadong lalaki ang tumira sa biktima, pero hindi matukoy ng testigo ang pagkakakilanlan dahil pawang mga nakatakip ng face towel ang mga mukha ng mga ito.

Naganap ng insi­dente sa kusina sa loob ng Barangay Police Safety Officer (BPSO) outpost na matatagpuan sa may St. Anthony St., Brgy. Holy Spirit.

Sabi ng testigong si Terry Magno, barangay tanod, habang nagsusulat siya sa dispatch book ng kanilang barangay ay nakarinig siya ng mga putok ng baril sa labas ng kanilang outpost.

Diumano, nang tignan ni Magno ang pinagmulan ng putok, isa sa mga suspek ang kanyang nasalubong sabay wika sa kanya ng “ wag kang gagalaw, babarilin kita.”

Matapos ito, agad na sumibat ang suspek, habang si Magno ay agad na dumiretso sa kusina kung saan niya nadatnan ang duguan at walang buhay na katawan ng biktima.

Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng kalibre 9mm at isang tingga nito, at apat pang basyo ng nasabing kalibre. Blangko pa ang pu­lisya sa motibo sa isinagawang pamamaril sa biktima.

AYON

BARANGAY POLICE SAFETY OFFICER

BLANGKO

BRGY

HOLY SPIRIT

MAGNO

SI AGAPITO ALORO

ST. ANTHONY ST.

TERRY MAGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with