^

Metro

Trak na gamit sa relief operation libre sa truck ban at number coding

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mas mapabilis ang relief operations sa mga probinsiyang tinamaan ng bagyong Yolanda, binigyan ng exemption sa truck ban at number coding ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga trak na naghahatid ng mga relief goods.

Sinabi ni MMDA general manager Corazon Jimenez na epektibo ang eksempsyon sa naturang mga trak hanggang sa katapusan ng Nobyembre.  Kabilang sa mga trak na binigyan ng eksempsyon ang mga naghahatid ng relief goods sa tatlong repacking centers sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila; Department of Social Welfare and Development relief station sa NAIA Road, Pasay City; at Air21 warehouse sa Old MIA Road sa Parañaque City.

Sa pamamagitan nito, hindi na umano paparahin ng kanilang mga enforcers ang naturang mga trak para sa mas mabilis na galaw ng mga relief goods mula packing stations tungo sa mga pantalan na maghahatid ng mga ito sa mga lalawigang sinalanta ng bagyo.

Sa ilalim ng modified truck ban, ipinagbabawal bumiyahe sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila ang mga trak mula alas-6 hanggang alas-10 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi.

Ipinatutupad naman ang number coding mula alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi.  Layon nito na mabawasan ang bilang ng mga behikulong bumibiyahe sa mga lan­sangan kada araw.

ALAS

CORAZON JIMENEZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NINOY AQUINO STADIUM

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with