Libu-libong pasahero stranded LRT 1 muling nagkaaberya
MANILA, Philippines - Muling naantala ang opeÂrasyon ng may 29 taon nang Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 1 makaraang magkaproblema sa signaling sytem umpisa kahapon ng tanghali.
Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, na natukoy ang problema sa signaling system sa Monumento Station dakong alas-11:30 ng tanghali.
Dahil dito, nagpatupad ang LRTA ng degraded operation kung saan nagsagawa lamang ng biyahe mula Baclaran sa Pasay hanggang Blumentritt station sa Maynila.
Dakong alas-4 ng hapon, naisagad ang biyahe ng mga tren hanggang Monumento Station lamang. Habang isinusulat ito, patuloy ang isinasagawang pagkukumpuni ng mga technician ng LRTA kung saan inaasahan na maibabalik ang normal operasyon ng mga tren mula Baclaran station hanggang RooseÂvelt Station bago sumapit ang “rush hourâ€.
Tulad ng mga nakaraang insidente ng pagkasira ng sistema ng LRTA, nagdulot ang insidente ng pagka-stranded sa libu-libong pasahero at paghaba ng pila sa mga istasyonÂ.
Matatandaan na nag-umÂpisa ang operasyon ng LRT Line 1 noon pang Disyembre 1984 sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Patuloy naman ang bidding ng Department of Transportation and CommuniÂcations (DOTC) para sa kontrata sa pagkukumpuni ng naturang train system at ekstensyon nito hanggang Cavite.
- Latest