^

Metro

Bus vs bus: 5 patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima ang kumpirmadong patay makaraang magbanggaan ang dalawang pampasaherong bus at maararo ng isa sa mga ito ang mga nag-aabang na mga pasahero sa loading bay sa EDSA-Magallanes sa Makati City kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat, nakilala ang mga biktima na sina SPO1 Lawrence Navarro, 37, nakatalaga sa Aviation Security Group; Lamberto Singular, Jr.; Jessa­ Meneses, 25, ng Sucat, P­arañaque; Osias Mata, Jr., ng Fort Bonifacio; at Fernando Sison, 63.

Bukod dito, aabot pa sa 33 ang nasugatan na isinugod sa ibat’t ibang pagamutan.

Ayon sa Makati City Police­, naganap ang aksidente dakong alas-6:40 ng umaga sa loading bay sa EDSA-Magallanes southbound lane.

Nabatid na nabundol ng isang Elena Liner bus (TXN 191) sa likuran ang isang MGP Trans bus (NXV 350) at inararo ang mga pasaherong naghihintay sa naturang loading bay.

Kabilang sa sugatan ang tsuper ng Elena Liner bus na si Antonio Dalag.

Ayon sa mga saksi, mabilis­ umano ang takbo ng Elena Liner bus mula pa sa Ayala Avenue tunnel at diretsong nabangga ang MGP Trans bus na nagsa­sakay ng pasahero sa loading bay.

Hawak naman ng pulisya ang tsuper ng MGP Trans bus habang kinukumpirma pa ng mga imbestigador ang sina­sabing nawalan ng preno ang Elena Liner bus kaya ito sumalpok sa likuran ng isa pang bus.

Lumikha naman ng ma­tinding pagbubuhol sa daloy ng trapiko ang na­turang aksidente.

vuukle comment

ANTONIO DALAG

AVIATION SECURITY GROUP

AYALA AVENUE

AYON

BUS

ELENA LINER

FERNANDO SISON

FORT BONIFACIO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with