^

Metro

Propesor nagbigti sa loob ng iskul

Ludy Bermudo, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 47-anyos na pro­pesor ng isang kolehiyo ang nagpakamatay sa pamama­gitan ng pagbibigti sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Esumo, propesor at head laboratory ng St. Jude College at naninirahan  sa Ma. Cristina St., Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-8:00 ng umaga nang mabulaga na lamang ang ilang mga kawani sa paaralan nang makitang walang buhay at nakabigti ang biktima.

Huling nakitang buhay ang biktima bandang alas-7:45 ng umaga   noong Lunes  nang papasok umano ito sa lobby entrance gate, ayon kay Luis Pellas, security guard ng St. Jude College.

Dahil sa sulat umano na dumating para sa biktima na hindi pa nito kinukuha, sinilip ito sa kanyang opisina kaya nadiskubre ang pagpapakamatay.

Gayunman, iniimbestigahan kung nagkaroon  ng foul play sa insidente.

Samantala, natagpuang nakabigti sa puno ng langka ang bangkay ng isang lalaking sinasabing palaboy sa palengke sa Taguig City kahapon ng umaga.

Blangko ang pulisya sa pagkakakilanlan ng nasawi na tinatayang nasa pagitan ng edad na 45-50 anyos, naka­suot ng polong long sleeve at maong na patanlon.

Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, natagpuan ang nakabiting bangkay ng biktima dakong alas-8 kahapon ng umaga sa nursery­ garden malapit sa LMR Tenement Market sa Brgy. Western­ Bicutan, ng naturang lungsod.

Sinabi ni Michael John Bales, 32, security guard sa FTI Complex, nagpapatrulya siya sa binabantayang lugar nang bumulaga sa kanya ang nakabigting bangkay ng lalaki na gumamit ng nylon cord na itinali sa sanga ng puno ng langka.

Sa pagtatanong ng mga pulis sa lugar, nabatid na palaboy umano at madalas na nakikita na nanghihingi ng limos at pagkain ang biktima sa palengke sa lugar.  Inilagak naman ang bangkay ng biktima sa Loreto Funeral Homes.

CRISTINA ST.

EMMANUEL ESUMO

LORETO FUNERAL HOMES

LUIS PELLAS

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MAYNILA

MICHAEL JOHN BALES

ST. JUDE COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with