^

Metro

Hiling ng MMDA Billboard/tarpaulin i-donate, para gawing tent ng mga biktima ni ‘Yolanda’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) sa mga billboard operators na i-donate ang kanilang mga lumang dambuhalang mga tarpaulin/billboard na maaaring gawing tents para sa mga biktima ng bagyong Yolanda na nawalan ng kanilang mga tirahan.

Ayon sa MMDA, maaaring magsilbing pansamantalang masusukuban ang malilikhang mga tents buhat sa mga tarpaulins ng mga residenteng apektado sa paghagupit ng bagyong si Yolanda habang hindi pa naitatayo ang kanilang mga bahay.

Sa panawagan ng ahensya sa mga billboard ope­rators, kailangang maipadala ang anumang tulong sa mga biktima sa mabilis na panahon upang maiwasan ang lalong pagkakasakit lalo na ang mga bata at matatanda dahil sa bukod sa nawasak ang kanilang mga bahay ay nasira rin ang mga evacuation centers.

“Instead of these tarpaulins rotting in their warehouses, it is better that advertising agencies hand them over to government relief units where it can be put to good use,” ayon sa ahensya.

Inumpisahan na ng MMDA ang pagkolekta sa mga nakumpiska nilang mga tarpaulin/billboard sa kasagsagan ng ‘Oplan Baklas Billboard’ para magawang mga tents.

vuukle comment

AYON

BILLBOARD

INUMPISAHAN

KANILANG

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

NANAWAGAN

OPLAN BAKLAS BILLBOARD

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with