^

Metro

Hotel sa Pasay hinoldap

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matagumpay na nilo­oban ng nagsosolong holda­per ang 3-star hotel makaraang tutukan ng baril ang kahera nito noong Sabado ng hapon sa Pasay City.

Pinaghahanap naman ngayon ng pulisya ang suspek na nakilala sa photo rouge gallery na si Billy Joseph Miranda, 25, ng #502 F. Cruz Street, Malibay sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, pumasok sa Hotel Sogo-Wood Branch sa Malibay, Pasay ang nag-iisang suspek na nagpanggap na customer. 

Nang sitahin ng guwardiya, sinabi nito na may hinihintay lamang siyang kasama.

Gayon pa man, lumapit ang suspek sa kahera na si Jeanefe Palicfic kung saan tinutukan ito ng baril sabay deklara ng holdap. 

Dahil sa takot, napilitang ibigay ni Palicfic ang laman ng kaha na aabot sa P18,000.

Mabilis namang tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng EDSA kung saan hindi na nahabol pa ng security guard ng hotel matapos na alertuhin ni Palicfic.

Nang ipakita kay Pa­licific ng pulisya ang rouge photo gallery ay positibong nakilala nito ang suspek na si Miranda. 

Agad na pinuntahan ng mga pulis ang tirahan ng suspek ngunit hindi na ma­tagpuan.

 

vuukle comment

BILLY JOSEPH MIRANDA

CRUZ STREET

DAHIL

HOTEL SOGO-WOOD BRANCH

JEANEFE PALICFIC

MALIBAY

NANG

PALICFIC

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with