3 babae patay sa sunog
MANILA, Philippines - Tatlong babae ang nasawi nang ma-trap habang isang lalaki naman ang nasugatan, sa naganap na sunog sa isang residential area, sa Bacood, Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Bunga umano ng suffoÂcation ang posibleng dahilan ng pagkamatay ng mga biktimang sina Benilda Dionisio, 68; Lily Aguilar at Neri Aguilar, kapwa nasa 50 hanggang 55-anyos, na pawang residente ng #604 Makisig St. Bacood, Sta. Mesa, Maynila.
Nasugatan naman nang madilaan ng apoy si Ryan Dionisio na sinasabing nilaÂlapatan pa ng lunas sa ’di natukoy na pagamutan.
Nagsimula umano ang pagsiklab ng apoy dakong ala-1:19 ng madaling-araw sa bahay na pag-aari ng negosyanteng si Leopoldo DioÂnisio, may-ari ng Leonille’s Meat Shop & Meat Products.
Umabot sa ika-5 alarma at naideklarang fire-out alas- 2:50 ng madaling-araw ang sunog.
Ang bangkay ni Lily ay natagpuan sa bedroom na nasa unang palapag habang ang mga bangkay nina Neri at Benilda ay nakita sa ikaÂlawang palapag ng bahay.
Sa ulat ni SFO3 Joseph Jaligue, nagsimula umano ang apoy sa gitnang bahagi ng ikalawang palapag, na mabilis kumalat.
Tinatayang may P2-milÂyong halaga ng ari-arian ang napinsala at patuloy naman ang Arson investigator sa isinasaÂgawang imbestigasÂyon para matukoy ang sanhi ng sunog.
Ang nasabing 2-storey apartment ay may basement umano na pagawaan ng Leonille’s meat products.
- Latest