Tanod tinodas
MANILA, Philippines - Patay ang isang babaeng barangay tanod nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon sa Malabon City.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa likod ang biktimang si Lilibeth Mandares, 50, ng Gozon Compound, Letre, Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.
Nagsasagawa pa ng folÂlow-up at inaalam pa ng MaÂÂlabon City Police ang pagkaÂkakilanlan ng suspect.
Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya naganap ang insidente alas-12:00 ng madaling-araw, malapit sa tinitirhan ng biktima sa naturang lugar.
Nabatid, na tanod sa naturang barangay ang biktima at habang ito ay naglalakad ay biglang sumulpot sa likuran nito ang suspek na armado ng hindi pa nabatid na kaÂlibre ng baril at walang sabi-sabing pinutukan ito na naging sanhi nang agaran nitong kamatayan.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek, iniimbestigahan pa ng Malabon City Police kung ang pamamaslang sa biktima ay may kinalaman sa pagiging tanod nito.
- Latest