Kelot dedo sa tandem
MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi habang isa pa ang sugatan makaraang sorpresang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspect sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi na si Wilfredo Balasbas, 23, ng Maligaya Park Subdivision, Brgy. Pasong Putik sa lungsod. Habang nakaratay naman sa ospital ang sugatang si Erickson Diaz, 25.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa may waiting shed ng Maligaya Elem. School na matatagpuan sa kahabaan ng Bonggavilla Oval St., Maligaya Park Subd., Brgy. Pasong Putik.
Ayon sa isang testigo, naka istamÂbay umano ang mga biktima kasama ang iba pang lalaki sa naturang lugar nang biglang dumating ang suspect na armado ng baril.
Mula rito, bigla na lamang pinaputukan ng suspect ang mga biktima at saka nagsitakas ang mga suspect sakay ng isang motorsiklo.
- Latest