^

Metro

Motorsiklo sumemplang holdaper sugatan sa pagtakas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang holdaper ang malubhang nasugatan nang  sumemplang ito sa motorsiklong minamaneho habang papatakas matapos holdapin ang isang negosyante at  ilang kostumer sa isang lugawan sa Caloocan City kamakalawa.

Ginagamot sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan  ang suspek na si Lordnin Gandalan, 32,  ng Everlasting St., Camarin ng naturang  lungsod.

Ayon kay Supt., Ferdie Del Rosario, ng Caloocan City Police,  naganap ang insidente alas-4:00 ng hapon sa isang lugawan sa Alma Jose St., Camarin ng naturang lungsod.

Nabatid na habang kumakain ng lugaw ang negosyanteng si Benjie Angeles, 27 at dalawa pang kostumer nang lapitan ito ng suspek kasama ang isa pang suspect saka tinutukan ng baril ang mga biktima at nagdeklara ng holdap.

Kinuha ng mga suspek ang alahas ng mga biktima na aabot sa P15,000 at cash na P3,000 bago nagsitakas ang mga ito  sakay ng motorsiklo. Hinabol ng mga biktima sakay ng sasakyan ang mga suspek at sa pagmamadali ay kapwa sumemplang ang naturang mga holdaper, subalit  malubhang nasugatan si Gandalan na naging dahilan upang madakip ito nang rumespondeng mga pulis  at dinala  ito sa naturang ospital at mabilis namang nakatakas ang hindi kilalang kasama nito.

Nabawi ng mga pulis ang Suzuki Raider at Racal na parehong walang plaka, isang kalibre .45 mula sa suspek  at  nadala naman ng kasama nito  ang mga nakulimbat nila sa mga biktima.

 

vuukle comment

ALMA JOSE ST.

BENJIE ANGELES

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EVERLASTING ST.

FERDIE DEL ROSARIO

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

LORDNIN GANDALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with