^

Metro

Presyo ng diesel at kerosene, tumaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagpatupad ng pagtataas sa presyo ng ilang produktong petrolyo ng mga kompanya ng langis dahil sa panibagong galaw sa presyo nito sa internasyunal na pamilihan.

Dakong alas-6 ng umaga nang sabay-sabay na magpa­tupad ng dagdag-presyo ang Pilipinas Shell, Petron Corpo­ration, at Chevron Philippines.  Inaasahan naman na susunod dito ang iba pang oil players sa bansa.

Nasa 35 sentimo kada litro ang itinaas ng mga ito sa presyo ng diesel at 20 sentimo naman sa kada litro sa kerosene.  Wala namang paggalaw sa presyo ng premium at unleaded gasoline.

Nilinaw naman nina Raffy Ledesma ng Petron at Ina Soriano ng Pilipinas Shell na hindi kasama sa panibagong pagtataas ng mga produktong petrolyo ang Cebu at Bohol na patuloy na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa tumamang malakas na lindol.

BOHOL

CEBU

CHEVRON PHILIPPINES

DAKONG

INA SORIANO

INAASAHAN

NILINAW

PETRON CORPO

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with