^

Metro

Opisina ng LTFRB, binulabog ng granada

Ricky Tulipat at Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang granada ang natagpuan sa loob ng  Land Transpor­tation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City kahapon ng umaga dahilan para maantala ang transaksyon sa ahensiya kahapon ng umaga.

Sinasabing isang  janitor na nakilalang Jomar ang nakakita sa granada na binalutan ng  tape sa loob ng comfort room ng mga lalaki sa ikatlong palapag ng gusali ng LTFRB.

Bago ito, isang Daisy San Andres ng Administrative Division ng LTFRB ang nagsabi na isang lalaki ang tumawag sa kanilang opisina ganap na alas-9:30 ng umaga kahapon at nagsabing mayroong maglalagay ng granada sa unahan ng kanilang opisina.

“May maglalagay ng granada sa tapat ng office niyo. Lu­mabas na kayo. Nagmamalasakit lang kami,”  ito, ayon kay San Andres ang sinabi sa kanya ng isang caller.

 â€œSila raw ang mga naapi ng Philtranco,” dagdag ni San Andres.

Sinabi naman ni Supt. Lemuel Obon, hepe ng CPD station 10 na  walang plano ang suspek na manakit ng sinuman dahil  hindi naman  sasabog ang granada dahil nakabalot ito ng tape at intact. Makaraang ma-clear ang lugar, balik  normal na agad ang operasyon sa naturang ahensiya.

Rerebyuhin nila ang CCTV nila sa ahensiya para malaman at masino ang nag-iwan ng granada sa naturang lugar.

 

vuukle comment

ADMINISTRATIVE DIVISION

DAISY SAN ANDRES

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

GRANADA

LAND TRANSPOR

LEMUEL OBON

QUEZON CITY

SAN ANDRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with