‘Sorry’ ng Maynila, tinanggap ng pamilya ng 2010 hostage victim
MANILA, Philippines - Itinuturing ng lungsod ng Maynila na isang malaÂking deÂvelopment ang balita na tiÂnanggap na ng pamilya ng biktima ng 2010 Manila bus hostage ang ‘sorry’ ng lungsod.
Gayunman, magsasaÂgawa pa rin ng ikalawang negosasyon ang kinatawan ni Manila Mayor Joseph EsÂtrada upang pag-usapan ang monetary compensation. Si Manila 3rd District councilor Bernardito Ang ang kinatawan ni Estrada na nagtungo sa Hong Kong.
Matatandaang suportado ng konseho ng Maynila ang ‘apology’ ng city government.
Ayon naman kay Ang, apat ang demands ng mga pamilya ng hostage victims kung saan tatlo dito maituturing na ‘done deal’. Kabilang dito ang paghingi ng paumanhin; parusa sa mga sangkot at ang seguridad ng mga Hong Kong tourist.
Nabatid naman kay Manila Vice Mayor Francisco “Isko Moreno†Domagoso, umaabot sa HK$10 million ang naipangako ni Estrada na ibibigay sa walong paÂmilya ng madugong insiÂdente.
- Latest