Kelot dinedo ni kumpare
MANILA, Philippines - Dedo ang isang 39-anyos na lalaki maÂkaraang tadtarin ng bala ang buong katawan ng kumpare nito, kamaÂkalawa ng gabi sa Taguig City.
Limang tama ng bala sa ulo at katawan ang tinamo ng biktimang si Alexander Burgos, residente ng 7th St., GHQ, Brgy. Katuparan, ng naturang lungsodÂ. Pinaghahanap naman ngayon ang tumaÂkas na suspek na si Arnold Estrada, bitbit ang kalibre .45 na ginamit sa pamamaslang.
Sa ulat ng Taguig City Police, dakong alas-10:20 ng gabi nang pumailanlang ang sunud-sunod na putok ng baril sa tapat ng bahay ng biktima. Dito tumambad ang duguang biktima na tadtad ng bala ang katawan. Sa imbestigasyon, nabatid buhat sa isang saksi na huling nakita ang biktima na kausap ang kumpareng si Estrada bago pumaÂilanlang ang mga putok ng baril.
Ayon sa saksi, naÂrinig pa niya na nagmamakaawa ang biktima ngunit hindi ito pinakinggan ng suspekÂ.
Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang ngunit hinihinalang may maÂtinding galit ang suspek kay Burgos dahil sa dami ng tama ng bala na tinamo nito.
- Latest