^

Metro

Mister na nagbantang manununog, inunahang tarakan ng kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inunahang saksakin ng kanyang kapitbahay ang bantang panununog ng isang 32-anyos na mister makaraang mag-away ng kanyang misis sa Parola Compound sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot ngayon sa  Gat Andres Bonifacio Memorial  Medical Cen­ter (GABMMC) sanhi ng tinamong tatlong saksak sa katawan ang mister  na nakilalang si Armando Mundido, ng Apex Compound, sa  Parola Compound, Tondo, Maynila.

Nakilala naman ang sumaksak na si alyas “John Rey”.

Sa ulat ng MPD-Station­ 2, dakong alas-7:00 ng gabi habang nagpapahinga umano ang suspect  sa kanyang kuwarto na nasa ikatlong palapag  ng nasabing address­ ay narinig nito na nag-aaway si Mundido at ang misis nito. Narinig din ng suspect ang banta ng biktima na susunugin ang buong kabahayan.

Sa pangambang madadamay ang kanyang tinitirhan sa bantang panununog kung kaya’t  hindi na ito nakapagpigil  kaya binaba ang nag-aaway na mag-asawa dala ang patalim at saka pinagsasaksak ang biktima at pagkatapos ay kaswal lamang na nilisan ang lugar.

Nagtulung-tulong naman ang ilang kapit­bahay na maisugod ang biktima sa pagamutan.

vuukle comment

APEX COMPOUND

ARMANDO MUNDIDO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL

GINAGAMOT

JOHN REY

MAYNILA

MEDICAL CEN

PAROLA COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with