^

Metro

120 tonelada ng basura sa Undas, nahakot

Mike Frialde - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa 120 tonelada ng mga basura ang nahakot sa iba’t ibang sementeryo sa Metro Manila ng clean-up teams ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ginawang paggunita sa All Saints’ Day.

Ayon kay MMDA General Manager Corazon Jimenez, patuloy pa rin ang isinasagawang paglilinis at paghakot ng basura ng kanilang Metro Parkways Cleaning Group.

Nauna nang nag-deploy ang ahensya ng mahigit sa 2,000 personnel para sa “Oplan Kaluluwa 2013”. Ang ope­rasyon ay nagsimula noong Oktubre 25 at magtatapos bukas (Lunes).

Ayon kay MMDA Chairman Francis­ Tolentino, na karamihan sa mga dineploy na personnel ay mga traffi­c constable na naatasang tumulong sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan at traffic-prone areas sa Metro Manila noong Undas.

Apat na malalaking sementeryo kabilang­ ang Manila North, Manila South, Loyola Memorial Park sa Manila­ at sa Parañaque ay mahigpit ding bi­nantayan sa pagsisikip ng trapiko.

ALL SAINTS

AYON

CHAIRMAN FRANCIS

GENERAL MANAGER CORAZON JIMENEZ

LOYOLA MEMORIAL PARK

MANILA NORTH

MANILA SOUTH

METRO MANILA

METRO PARKWAYS CLEANING GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with