^

Metro

Misis inutas ni mister

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selos umano ang madalas na dahilan sa pagtatalo ng mag-asawa, hanggang sa ma­patay ang isang 25-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) ng kaniyang sariling mister sa loob ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nasawi si Sarah Piang,  ng Bldg. 9 Extn., Old Site,  Baseco compound, Port Area, sanhi ng saksak sa katawan. Naaresto naman ang suspect na si Ben Anzad, 23, asawa ng biktima.

Sa ulat ni SPO2 Marlon San Pedro ng MPD-Homicide Section, alas-3:00 ng hapon nang matuklasan ang nakahandusay at duguang biktima sa loob ng kanilang bahay kaya agad itong itinawag sa mga awtoridad.

Lumalabas sa imbestigas­yon na ang palagiang pagseselos ng mister ang dahilan ng palagiang pag-aaway ng mag-asawa na nauwi sa pagpatay. Ayon sa suspect nabigla lamang siya at wala namang planong patayin ang misis.

AYON

BASECO

BEN ANZAD

HOMICIDE SECTION

MARLON SAN PEDRO

OLD SITE

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PORT AREA

SARAH PIANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with