Barangay tanod utas sa pamamaril
MANILA, Philippines - Isang barangay tanod ang napaslang matapos mamaril ang mga ’di-kilalang lalaki na sinasabing miyembro ng sindikato ng iligal na droga na nagkukuta sa barangay malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang napatay na si Atlas Lambarte, 29, tanod sa Barangay La Huerta sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng Parañaque City PNP, nagsagawa ng anti-drug operations ang mga tauhan ng PNP Community Precinct-3 sa compound ng naturang barangay makaraang makatanggap ng impormasyon ng lantarang pagbebenta ng iligal na droga ang sindikato.
Kasama ng mga pulis ang mga barangay tanod ngunit hindi pa nakakalapit sa target na compound nang biglang magpaulan ng bala ang mga miyembro ng sindikato kung saan agad na tinamaan si Lambarte.
Dahil dito, hindi agad napasok ng mga pulis ang naturang compound habang nagawang makatakas ng mga target na pusher.
Samantala, isa ring barangay tanod na si Henry Sulit ang nadakip naman ng mga tauhan ng Pateros Police Station Anti-IlleÂgal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) sa aktong nagtutulak ng iligal na droga sa naturang bayan.
Nabatid na unang naispatan ng mga nagpapatrulyang pulis ang isang kilalang tulak ng droga na si alyas “Louie†kasama si Sulit. Nang lalapitan ng mga pulis, kumaripas ng takbo si Louie habang naiwan si Sulit nang kapkapan ay nakumpiska umano sa posesyon ang pakete na naglalaman ng shabu.
- Latest