^

Metro

Koreana nasamsaman ng US$357,000 cash sa NAIA

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatanga ang isang babaeng Koreana nang samsamin ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) Terminal 1 ang US$ 357,000 cash na itinago nito sa kahon ng 3-in-1 coffee­.

Kinilala ni Customs super­visor on-duty Carol Do­fitas ang pasahero na si Kim Minjung na sakay ng Korean Airlines flight KE621 na dumating sa paliparan kahapon ng umaga.

Ayon kay Dofitas, itinanggi ng Koreana kung may idi­deklara siyang mga taxable goods habang nasa harapan ito at tinatanong ni  Customs examiner Paula Manlangit dahil sa Customs decla­ration form na iniabot sa huli ay nakatala dito ang ‘nothing to declare.’

Napag-alamang pinabu­buksan ni Manlangit sa Koreana ang hand carry trolley na bitbit nito at sa pagbukas nito ay lumantad sa examiner ang 3-in-1 coffee na may mga bundle na naka-tape sa tagilaran ng karton kaya mabilis na ininspeksyon ito at doon nga nakita ang foreign currencies.

Ayon sa Customs officials, ibinalik nila ang US$10,000 cash kay Minjung samantala ang ibang salaping dala nito ay kinumpiska ‘in favor of the goverment.’

Sabi ni Minjung ang dala niyang pera ay pambayad sa lupa’t bahay na bibilhin nito.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CAROL DO

KIM MINJUNG

KOREAN AIRLINES

KOREANA

MINJUNG

NINOY AQUINO INTER

PAULA MANLANGIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with