^

Metro

P/Major utas sa ambush

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang police major makaraang tambangan ng hindi pa kilalang mga suspek sa Brgy. Pansol, Quezon City,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Chief Ins­pector Romeo Ricalde Jr., hepe ng Special Operations Unit ng Northern Police District.

Sinasabing pauwi na sana ang biktima lulan ng kanyang sasakyan na SUV (NLI-902) nang paulanan ng bala ng baril ng apat na mga suspek sakay ng motorsiklo.

Ayon  kay  Bernadette, asawa ng biktima,  maraming natatanggap na death threats ang asawa at may hinala siyang  may kinalaman sa trabaho ng kanyang mister ang krimen.

Idinagdag pa nito na  mayroon ding kapwa pulis ang kagalit ng asawa at kilala nila ang suspek sa naturang pamamaril.

Narekober naman ng mga awtoridad ang M-14 armalite sa lugar ng insidente.

Patuloy pa rin ang pagbusisi ng QC police sa naturang krimen.

 

vuukle comment

AYON

BERNADETTE

BRGY

NORTHERN POLICE DISTRICT

POLICE CHIEF INS

QUEZON CITY

ROMEO RICALDE JR.

SPECIAL OPERATIONS UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with