South African timbog sa P40-M halaga ng cocaine
MANILA, Philippines - Dahil sa impormasyon galing sa international drugs agency sa ibang bansa, isang babaeng South African ang nahuli nang tangkain nitong ipuslit papasok ng bansa ang 8.5 kilong cocaine na nagkakahalaga ng P40 milyon.
Inaresto si Debbie Reyneke, 24, makaraang makita sa kanyang bagahe ang mahigit walong kilo ng cocaine matapos dumating sa NAIA Terminal 1 dakong alas-5:38 ng hapon noong Miyerkules lulan ng Emirates Airlines flight EK 332 mula Dubai.
Napag-alamang ang droga ay nakalagay sa plastic bags at itinago sa chocolate at coffee beverage packs.
Nang makarating sa paliparan, agad na ineskortan ng mga awtoridad sa airport ang babae makaraang makilala at ituro ito ng immigration officers.
Napag-alaman na bumiyahe mula sa South Africa si Reyneke at nagpunta ng Peru na sinasabing doon niya nakuha ang cocaine. Lumipad ito patungong Madrid, Spain at nag-stopover sa Dubai, United Arab Emirates bago pumunta ng Pilipinas.
- Latest