^

Metro

Tsinoy timbog sa P75-M shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bigo man sa inilatag na buy-bust operation ang mga awtoridad, tagumpay pa rin sila sa pag-aresto sa isang Filipino-Chinese na sinasabing big-time drug trafficker na nagtangkang tumakas nang maamoy ang inilatag na bitag ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kung saan na­rekober sa kanyang sa­sak­yan ang may 15 kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P75 milyon sa Ermita, Maynila, kahapon.

Pinipigil pa sa Manila Police District-Station 5, ang inarestong suspect na si Antonio Uy, residente ng Elcano St., Binondo, Maynila.

Sa inisyal na ulat SPO2 Boyet Leyva ng MPD Station­ 5, bandang alas-10:30 ng umaga nang ma­kipag-ugnayan ang grupo ng PDEA sa pangunguna ni Carlos Soriano kay MPD-Station 5 chief, P/Supt. Orlando Mirando.

Pasado alas-12:00 naman ng tanghali nang isagawa ang buy-bust ope­ration sa may bahagi ng Magsaysay Tower sa Roxas Boulevard.

Subalit sa nakatakdang operasyon, hindi umano tumuloy­ sa transaksiyon ang suspect na lulan ng Toyota Camry (ZBG-553) na kulay­ silver,  nang makatunog na isiniset-up lang siya kaya humarurot papatakas.

Hinabol siya ng mga operatiba ng PDEA na lulan ng dalawang kotse at isang motorsiklo at pagdating sa bahagi ng Roxas Boule­vard, ay doon pinaputukan ang hulihang bahagi ng  sasakyan nito.

Nakorner na rin ang suspect sa panulukan ng San Andres at M.H. Del Pilar St., sa Ermita, kung saan ina­resto ito at nasamsam ang nasabing iligal na droga­  na itinago sa isang itim na travelling bag sa loob ng dala nitong  sasakyan.

ANTONIO UY

BOYET LEYVA

CARLOS SORIANO

DEL PILAR ST.

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ELCANO ST.

ERMITA

MAGSAYSAY TOWER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with