ACRI-Card laging dalhin - Mison
MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang anumang aberya, pinayuhan ng Bureau of Immigration ang mga dayuhan na laging dalhin ang kanilang Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card) lalo pa at ito ang katunayan ng kanilang legal na paninirahan at pananatili sa Pilipinas.
Ayon kay BI Officer-in-Charge Siegfred Mison na ang pagkakaroon ng ACR I-Card ay nakatutulong sa dayuhan na makaiwas sa mga problema sa pakikipagtransaksiyon.
Aniya, ang ACRI-Card ay microchip-based identification card na iniisyu sa mga rehistradong dayuhan, kapalit ng dating paper-based ACR. Nagtataglay din ito ng computer chip na may biometric security features na at maaaring i-update electronically.
Ang nasabing card ay nagsisilbi ring Emigration Clearance Certificate (ECC), Re-entry Permit (RP) at Special Return Certificate (SRC) sa holder sa sandaling makaÂbayad ng tinatakdang halaga.
Kasabay nito ay binalaan ni Mison ang mga dayuhan na mag-ingat sa mga peke at pinapalsipikang ACRI-Cards.
- Latest