^

Metro

Aleman nabiktima ng Ativan gang

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalimas ang dalang pera at bitbit na camera ng isang 28-anyos na German national  nang mabiktima ng dalawang babae at isang lalaki na hinihinalang mga miyembro ng “Ativan gang”, sa bahagi ng Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nasa P40,000 ang katumbas ng 800 Euro  at isang camera ang sinasabing tinangay ng mga suspect na isa dito ay nakilala lamang sa Aya, 33 anyos  kasama ang isang nakatatandang babae at isang lalaki na anak umano ng huli. Ito ang reklamo na idinulog kay SPO2 John Cayetano ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ng biktimang si Christian Engel, estudyante at nanunuluyan sa Kon Tower 2 sa Taguig City.

Ayon sa biktima, tinabihan siya ng dalawang babaeng suspect na nakita niya sa ilalim ng di tukoy na LRT station at doon nagpakilala si  ‘Aya’. Sinimulan umano ni Aya ang pakikipag-usap kung saan pinayuhan pa umano siya  nito na palaging humawak sa bulsa dahil maraming mandurukot sa lugar. Ipinakilala din siya sa kasama na diumano’y auntie ni Aya, hanggang sa alukin siya na sasamahan na lamang na ilibot sa buong Maynila. Matapos umanong magtungo sa Quiapo church ay nagpunta naman sila sa isang Karaoke bar at nang makaubos na ng 16 na beer ay may isang lalaki na dumating na ipinakilalang anak ng nakatatandang babaeng suspect.

Iyon na ang huling alaala ng dayuhan at kasunod ang pag­gising niya na nasa loob na siya ng kanyang ino­kupahang silid sa nasabing hotel. Nang alamin sa kuha ng closed circuit television (CCTV) ng hotel ay nakitang inihatid ng isang taxi ang biktima sa nasabing hotel at ibinilin umano sa isang receptionist na na­ngangasiwa para siya maipasok sa kanyang silid.

vuukle comment

ATIVAN

AYA

CHRISTIAN ENGEL

ISANG

JOHN CAYETANO

KON TOWER

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with